
Muling nagpakitang gilas sa pagsayaw ang Kapuso actor at dancer na si Balang.
Sa kanyang bagong video ay ginawa niya ang trending sa social media na Switch It Up Challenge.
Sa isang video naman ni Joyce Pring ay ipinakita niyang nakisayaw siya kay Balang. Kuwento ni Joyce tinuruan siya ni Balang sayawin ang Switch It Up.
"The folks at 'Unang Hirit' don't know, but everyday, they make my dreams come true. Lahat na 'ata ng tao alam na frustrated dancer ako so today I had to contain my excitement as we danced the morning off with Boobay and Balang! Here he is teaching me to dance and me trying to start a dance-off."