
Certified Instagram millionaires sina Barbie Forteza at Bea Binene. Milyon-milyong mga tao ang sumusunod sa online activities ng ating most-followed Kapuso stars.
Sa platform na ito pino-post ni Barbie ang kanyang personal life, work, travels at OOTD. Samantala, busy naman si Bea sa kanyang mga lakwatsa, pagpapaganda ng katawan at pag-share ng kanyang mga endorsements.
Spreading good vibes at positivity ang feed ni Barbie ngunit hindi pa rin daw maiiwasan ang mga taong naninira sa kanya.
“Nabasa ko ‘yung comment pero I didn’t give them the satisfaction na sagutin sila kasi it’s what they want. All they want is attention,” saad ni Barbie na may 1.1 million followers.
Bilang parte ng Instagram millionaire’s club, tip naman ni Bea ang mag-post ng mga hilig at interest ninyo.
“Do what you love. Gawin niyo kung ano’ng sa tingin niyo ang gusto niyo talaga. Hindi ‘yung gagawin niyo dahil nakikita niyo si ganito, may nakikita kayo sa Instagram ni ganito at pumayat siya so ‘yun ang gagawin mo. Para sa akin, iba-iba naman tayo ng type ng katawan,” paliwanag ni Bea na may one million followers.
Certified Instagram millionaires rin ang ating girls na sina Gabbi Garcia, Bianca Umali at Julie Anne San Jose.