
Over speeding at reckless driving ang mga kasong hinaharap nina Patrick (Derrick Monasterio) at Happylou (Barbie Forteza) sa paglabag sa traffic rules.
Gabing-gabi na ngunit “nagjo-joyride” pa umano ang dalawa, sakay ang isang motor na tila parang may karera, ayon sa mga pulis.
Sa presinto nagsisihan sina Patrick at Happylou, kaya namannapagkamalan silang magkasintahan dahil daig pa nila ang mag-asawa kung mag-away.
Marami pang mga kilig na eksena ang dapat abangan sa top-rating GMA Telebabad soap na Inday Will Always Love You pagkatapos ng Kambal, Karibal.