What's Hot

WATCH: Barbie Forteza at Jak Roberto, first time na hindi malamig ang Pasko

By Bea Rodriguez
Published December 8, 2017 12:57 PM PHT
Updated December 8, 2017 1:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Tila magiging merry daw sa unang pagkakataon ang Christmas ng dating 'Meant To Be' stars na sina Barbie Forteza at Jak Roberto.

Tila magiging merry daw sa unang pagkakataon ang Christmas ng dating Meant To Be stars na sina Barbie Forteza at Jak Roberto.

Sa kanilang interview sa Unang Hirit sinabi ng dalawa kung anong plans nila sa darating na Kapaskuhan.

“First time yata na magiging masaya ang Pasko ko,” paunang kuwento ng Kapuso Teen Queen na sinundan ng ating Pambansang Abs, “Ito ‘yung unang Christmas na hindi malamig ‘yung Pasko. (laughs).”

May plano na raw ang Kapuso hunk ngayong Pasko, “Visit ako sa bahay nila or invite ko siya sa amin.”

Maagang pamasko na raw ang naging birthday surprise sa kanya ng aktres kamaikalan lamang sa set ng Tadhana.

READ: Stars react to Barbie Forteza's birthday surprise for Jak Roberto

Kuwento ni Jak, “Si Barbie noong time na iyon, nagte-text kami, nasa nail spa [siya] so alam kong late siyang natatapos sa ganun eh, so hindi ko alam na pupunta siya. On the way na siya noong mga panahon na iyon. Sobrang na-appreciate ko ‘yung effort kasi sa Tagaytay ‘yung location [pero] pinuntahan [niya ako] para lang magdala ng cake.”

Ayon naman sa kuwento ng Kapuso leading lady, “Mga time na iyon, naaligaga ako sa paghahanap ng cake kasi nga mag-a-alas dose na [at] wala nang bukas [na shop]. Naghahanap ako ng cake tapos [buti] may bukas pa naman.”

Video from GMA News