
Step one para kina Kapuso stars Barbie Forteza at Kate Valdez ang pag-aaral ng salitang Waray at Ilocano para sa kanilang GMA Telebabad series na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday.
Nakasama pa nilang dalawa si Max Collins na may importanteng role sa serye.
Kuwento ng tatlo, first time nilang mag-aral ng Waray at Ilocano at 'di raw pala madaling matutuhan ang mga ito.
Bahagi ni Max, “Ngayon ko lang nalaman na ganun siya ka-challenging. Ang hirap palang mag-aral ng isang language kasi hindi ako ganun ka-fluent mag-Tagalog tapos ngayon may Waray pa.”
Dagdag naman ni Barbie, “Parang bagong knowledge na naman ito sa amin.
“Kung 'yung iba tine-take up pa ito as course nila tapos kami binigyan lang ng opportunity para mapag-aralan siya in a short period of time.”
Excited na rin ang tatlo na magsimula mag-taping dahil mayroon daw mga eksenang kukuhanan sa Leyte at Ilocos.
Ipinagmamalaki rin nila ang big stars na makakasama nila sa serye tulad nina Snooky Serna, Dina Bonnevie, at Lovi Poe.
“Feel ko lagi akong uma-attend ng awards night!” pabirong saad ni Barbie.
“Kasi talagang bigatin ang mga artista kaya nagpapasalamat po kaming lahat and sana panoorin po nila ang aming programa.”
Panoorin ang buong chika ni Lhar Santiago:
IN PHOTOS: At the story conference of 'Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday'
Barbie Forteza and Kate Valdez, to star in new GMA series, 'Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday'