What's Hot

WATCH: Barbie Forteza at Ken Chan, mas mature ang roles sa 'This Time I'll Be Sweeter'

By Bea Rodriguez
Published September 18, 2017 3:21 PM PHT
Updated September 18, 2017 3:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo surprises kids by dressing up as Santa Claus for Christmas
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers
'PBB' housemate Joj Agpangan weds fiancé in Austin, Texas

Article Inside Page


Showbiz News



Mula sa pa- tweetums sa pinagbidahang hit primetime kiligserye na 'Meant To Be,' mas mature na raw ang kanilang gagampanang roles sa upcoming romantic film na  'This Time I’ll Be Sweeter.'

Level-up ang tambalan ng ating Kapuso love team na sina Barbie Forteza at Ken Chan. Mula sa pa-tweetums sa pinagbidahang hit primetime kiligserye na Meant To Be, mas mature raw ang kanilang gagampanang roles sa upcoming romantic film na This Time I’ll Be Sweeter.

“Mas pinatanda kami dito eh. Hindi kami tulad noong sa Meant To Be na pa-tweetums. Dito, pina-mature kami. Actually, marami kaming generations na dinaanan,” bahagi ng Kapuso Primetime Princess.

Ayon kay Ken, ibang-iba naman ang kanilang roles sa pelikula kaysa sa kina Yuan at Billie ng Meant To Be. “Si Tristan [ay] ‘yung tipong lalaki na happy-go-lucky noong college kaya pinaibig niya si Erica.”

Nag-iisa lang din ang natitipuhang lalaki ni Barbie mula noon, “College pa lang kami, siya na talaga ‘yung idol ko. Crush ko na talaga siya kasi bilang isang Mass [Communications] student, siya na talaga ‘yung number one kong subject sa lahat ng articles ko.”

Very grateful ang dalawa sa oportunidad na mabigyan ng pelikula ang kanilang tambalan. Saad ng aktor, “Noon pa man, nilu-look forward ko na maka-partner si Barbie sa isang movie. Heto, nagkatotoo! Dahil sa six months na nag-run ‘yung Meant To Be, nakuha ko na kung papaano ka-eksena si Barbie.”

Abangan ang KenBie sa kanilang unang pagbibidahang kilig film na This Time I’ll Be Sweeter, showing this November 1 na!

Video from GMA News