What's on TV

WATCH: Barbie Forteza at Mika Dela Cruz, lubos ang pasasalamat sa suporta ng mga tao sa 'Kara Mia'

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 5, 2019 12:38 PM PHT
Updated March 5, 2019 12:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
6 men to face alarm and scandal complaint after roadside scuffle
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Lubos ang pasasalamat ng 'Kara Mia' stars na sina Barbie Forteza at Mika Dela Cruz sa mainit na pagtanggap ng mga nanonood sa kanilang palabas.

Lubos ang pasasalamat ng Kara Mia stars na sina Barbie Forteza at Mika Dela Cruz sa mainit na pagtanggap ng mga nanonood sa kanilang palabas.

Barbie Forteza at Mika Dela Cruz
Barbie Forteza at Mika Dela Cruz

Dagdag pa ni Barbie, ngayon na lang siya na-excite mag-taping dahil sa Kara Mia.

"Ngayon na lang ulit ako na-excite mag-taping para sa show. Pag may nag-text sa akin na may taping, na-excite ako agad," kuwento ni Barbie.

Inamin naman ni Barbie na hirap silang dalawa ni Mika tuwing may kukunang eksena dahil sa kakaibang kondisyon ng kanilang ginagampanan na karakter.

Naghahati sa iisang katawan at ulo ang kambal na sina Kara at Mia.

Si Kara ang mukha sa harap at ang may-ari ng katawan samantalang si Mia naman ang mukha sa likod ng ulo ni Kara.

READ: Little girl creates her own 'Kara Mia' doll

"Napakahirap kasi lagi mong iisipin na may ulo sa likod mo so parang lahat ng desisyon mo kailangan mo pag-isipan," ani Barbie.

Dagdag naman ni Mika, "Kahit habang shino-shoot namin, para kaming magkapatid."

Kinuwento rin nina Barbie at Mika kung anu-ano ang perks ng may mukha sa likod.

Alamin ang buong detalye sa video na ito: