
Hindi madali ang mamuhay na may kakaibang anyo kaya naman binigyan ng payo nina Barbie Forteza at Mika Dela Cruz ang Dragon Lady na si Janine Gutierrez kung paano siya makakalabas ng bahay kahit may dragon-like features siya.
Ginagampanan nina Barbie at Mika sina Kara at Mia, ang kambal na naghahati sa iisang katawan. Si Kara ang may-ari ng katawan at ang mukha sa harap samantalang si Mia naman ang mukha sa likod ng ulo ni Kara.
Si Janine naman ay si Celestina sa Dragon Lady, isang babae na may balat ng isang dragon.
"Para makalabas ka ng bahay nang hindi ka nagtatago, gahayin mo 'yung bangs ko," tip ni Barbie kay Janine.
Sinunod naman ni Janine ang tip ni Barbie at sinabing, "Thank you, Kara! Sige nga, ma-try nga itong bangs na 'to. Ano Mia, bagay ba? O mukha pa rin akong Dragon Lady?"
Sagot ni Mika, "Hay nako, Yna. 'Wag kang maniniwala d'yan kay Kara. Masasama ang tao sa mundo, hindi ka nila magugustuhan. Tingnan mo 'ko, hanggang ngayon nakatago pa rin."
Weekdays mapapanood ang Dragon Lady sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga samantalang weeknights naman mapapanood ang Kara Mia sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.