
Gulong-gulo na nga si Billie kung sino ang pipiliin niya sa apat na Kapuso hotties ngunit mas lalo siyang naguluhan nang maging reperi sa fliptop battle ng JEYA boys. Sino nga ba ang karapat-dapat niyang mahalin?
Naglaban-laban ang Kapuso hunks na sina Addy Raj ng Team Kape, Ivan Dorschner ng Team Gatas, Ken Chan ng Team Asukal at Jak Roberto ng Team Pandesal at ipinakita ang kanilang husay sa fliptop battle habang pinakilig ang kanilang lady love na si Barbie Forteza.
Nag-sample rin ang ating Pambansang Bes ng kanyang fliptop pero hindi pa rin niya alam kung sino ang dapat niyang piliin. Humihingi siya ng tulong sa pagpili ng kanyang ka-Meant To Be sa pamamagitan ng pagboto sa www.gmanetwork.com/MTBVote.