
Ilang araw ding nagbakasyon si Kapuso actress Barbie Forteza sa Hong Kong kasama ang kanyang nobyo na si Jak Roberto.
Dahil dito, refreshed siyang bumalik sa trabaho sa kanyang hit GMA Telebabad series na Inday Will Always Love You.
"Na-de-stress ako. Wala akong inisip na trabaho. Ang inisip ko lang 'yung itinerary namin for that day," pahayag nila tungkol sa kanyang biyahe.
Sa pagbalik niya, isa na namang hunk ang dumagdag sa IWALY--si Ruru Madrid.
"Siyempre, ang haba ng hair ni Happylou 'di ba? May isang umalis. May bagong pumasok. Abangan n'yo kung ano 'yung magiging relationship nina Pabs at Happylou," aniya.
Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras: