
Usong-uso ang videos na 'Get Ready With Me' kung saan mapapanood ang isang beauty blogger na naglalagay ng makeup sa kanyang bare face. Kabaliktaran naman ang ginawa ni Kapuso Teen Queen Barbie Forteza sa kanyang 'Get Unready With Me' video.
“Pagkatapos ng buong araw na trabaho, traffic at concert, it’s time na tanggalin na natin ang kasinungalingang ito sa aking pagmumukha. Ang pa-glitters na iyan, tanggalin na natin iyan! This is ‘Get Unready With Me,’” saad ng Kapuso star sa kanyang Instagram post.
Confident pa na nag-selfie ang teen star ng kanyang mukha na walang bahid ng makeup.
Pinuri ng netizens ang natural beauty ng dalaga.