
Balik sa kulungan ang aktor na si Baron Geisler matapos manugod at magwala sa labas ng bahay ng kanyang kapatid at bayaw sa Angeles City, Pampanga.
Napanood sa ulat ng 24 Oras ang kuha ni Michael Robin Stone Morales, bayaw ni Baron, kung saan makikita at madidinig ang aktor na nagwawala at nagmumura.
“He was shouting at the top of his lungs diyan sa labas. He was calling my name, ‘Michael Morales, labas ka dito. Papatayin kita.’ Tapos mamaya dumating may hawak siyang kutsilyo,” kuwento ni Michael.
Aminado naman si Baron sa kanyang ginawa, ngunit depensa rin nito, “Lagi akong pino-provoke so siyempre umabot na po ako doon sa boiling point.”
Bago ang insidente, nag-post ang aktor sa kanyang social media account na inatake raw siya ng kanyang bayaw at kapatid, at doon niya nakuha ang mga pasa at sugat sa kanyang mukha.
Paliwanag ni Michael, “'Yung ginawa niya sa daughter ko, doon nagsimula talaga ‘yung... wala naman siyang ginawang sexual harassment. Sexual, verbal assault coming from him, I couldn’t take.”
“I’m sorry Baron. Gusto kong matapos na ‘tong lahat. Mahal kita. We want help for you. Iuurong ko ‘yung kasong ‘to pero ‘yung conditions namin family pati ng mga kapatid niya is to bring him to rehab,” patuloy niya.
Si Baron ay sinampahan ng kasong kaugnay ng grave threats, alarm and scandal, at possession ng kutsilyo. Siya ay na-inquest sa Angeles Prosecutor’s Office nitong Lunes, March 5. Bailable daw ang kanyang mga kaso at nakasalalay sa korte kung magkano ang piyansang ipapataw sa kanya.
“Come visit me here lang, and I need their support. [I’m] afraid, I feel alone. I’m really doing my best to become a better human being,” panawagan ng aktor.
Video courtesy of GMA News