
Dala-dala ng Bb. Pilipinas 2017 queens ang pagiging “confidently beautiful with a heart” nang bisitahin nila ang mga batang pasyente ng Operation Smile.
Ito ay hindi lang nagbigay ngiti sa mga kabataan kundi pati sa mga beauty queens na nagpakita ng kanilang pagmamahal sa outreach program.
Lubos na nag-enjoy si Bb. Pilipinas-Universe Rachel Peters, “When we come here, everyone’s having so much fun. I love coming here.”
Malaki naman ang pasasalamat ng model-turned-beauty queen na si Katarina Rodriguez dahil may boses na siya para makampanya ang kanyang adbokasiya sa kapayapaan. Kakagaling lang daw niya sa Europe kung saan nakilala niya ang ilang miyembro ng National Peace Panel at nagkaroon din siya ng pagkakataon na mabisita ang United Nations.
“Without Bb. Pilipinas, [and] without the title of Miss [Philippines] Intercontinental, I would be able to give back the way that I’m able to now. I’m really having fun, [and] I’m learning a lot,” saad niya sa report ng Balitanghali.
Arts and music para sa mga underprivileged naman ang adbokasiya ni Bb. Pilipinas-International Mariel de Leon na anak ng celebrity couple na sina Christopher de Leon at Sandy Andolong.
Sa isang punto, naisipan niya ring sundan ang yakap ng kanyang mga magulang. Kuwento niya, “They’re super supportive, and of course, they told me to try acting, and I did pero it’s not for me talaga so at least now, they’re really proud of how far I’ve come.”
Naroroon rin ang kapwa nilang beauty queens na sina Bb. Pilipinas-Supranational Chanel Olive Thomas, Bb. Pilipinas-Grand International Elizabeth Clenci at Bb. Pilipinas-Globe Nelda Ibe.
Video courtesy of GMA News