
Pinangunahan nina Binibining Pilipinas Charities Inc. Chairwoman Stella Marquez-Araneta, photographer na si Raymond Saldana, at ng 40 official candidates ng Binibining Pilipinas 2019 ang pagbubukas ng photo exhibit sa Gateway Mall sa Araneta Center, Cubao.
Tampok ang mga kandidata suot ang kani-kaniyang national costumes na dinisenyo ng mga Filipino designers na may modern touch. Ang kanilang mga pambansang kasuotan, nagbibigay tribute sa Filipino culture at heritage.
#KABOG: National Costumes ng 2019 Bb. Pilipinas Candidates
Sa exhibit, naka-display rin ang mga actual costumes na ginamit ng mga Binibining Pilipinas candidates last year. Kabilang na dito ang suot ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Gaganapin ang grand coronation night ng Binibining Pilipinas sa June 9, sa Smart Araneta Coliseum.
Panuorin ang buong chika ni Aubrey Carampel: