
Makahulog panga ang mga katawan nina Meant To Be leading men na sina Jak Roberto at Ivan Dorschner, lalong lalo na kung sila ay naka-topless at ready na to go to the beach.
Ayon sa Abs ng Bayan, hindi lang daw sa gym gawa ang kanyang matipunong pangangatawan dahil importante din daw kung ano'ng kinakain sa kusina.
Saad ni Jak sa Unang Hirit, “Diet is important talaga. Kahit hindi ka na nakakapag-workout, mahalaga ‘yung diet na nababantayan mo. Ngayon, avoid muna ako sa mga fattening food [at] mas more on veggies and fruits para clean living pa rin tayo.”
Agree dito ang kanyang co-star na si Ivan, “Sa sobrang dami naming ginagawa, parang wala ng time para mag-cheat meal [at] magpahinga.”
WATCH: Kapuso hotties Ivan Dorschner at Addy Raj, may workout tips!
Ito rin ang sikreto ni Encantadia star Ruru Madrid sa kanyang hunky physique, “High fats and high protein lang ang pwede kong kainin. Bawal ako sa carbs [at] bawal ako sa sugar.”
Maging ang kanyang co-star na si Sang’gre Alena Gabbi Garcia ay mapili rin sa pagkaing kinakain, “I honestly don’t really go to the gym, but I watch what I eat.”
READ: Gabbi Garcia shares workout and diet preparations for ‘Encantadia’
“70% diet and 30% gym” raw ang tamang formula, ayon kay upcoming Mulawin VS Ravena star na si Derrick Monasterio, “What’s more important is your diet. If you’re working out regularly pero you’re not eating healthy or you’re not eating right, wala ring mangyayari.”
Video courtesy of GMA News
MORE ON BEACH BODIES:
IN PHOTOS: ‘Bubble Gang’ bikini wars in Lubao, Pampanga
LOOK: 18 Kapuso stars, summer-ready na!
LOOK: Vina Morales, the hottest 41-year-old on the planet!