
Sa kabila ng kanyang mga kuwelang makeup tutorials, may nakakaantig palang kuwento ang beauty vlogger na si Michelle Fox o Elmer Cabarles sa tunay na buhay.
Hindi niya napigilang maluha matapos niyang ikuwento ang kanyang malungkot na nakaraan sa isang vlog. Aniya, ang kanyang mga bashers daw ang nag-udyok sa kanya para ibahagi ang kanyang karanasan noong kanyang kabataan bilang closet gay.
Sa mismong tahanan nila sa Samar nagsimula ang kalbaryo ni Michelle. Hindi kasi tanggap ng kanyang kuya ang kanyang seksuwalidad kaya pinagbubugbog siya nito. Dahil sa masaklap na pangyayaring iyon, napilitang lumayas si Michelle at mula noon ay natuto siyang mamuhay ng mag-isa.
Panoorin ang kabuuan ng kanyang kuwento sa video na ito: