
Sa February 11 episode ng Magkaagaw, muntik nang magpang-abot sina Clarisse (Klea Pineda), Jio (Jeric Gonzales), at Jade (Cassy Lavarias) kung hindi lang humadlang ang sindikato na nandukot sa kanilang anak.
Sa isang eksklusibong video clip sa GMA Drama Facebook Page, kitang-kita sa behind-the-scenes clip ang nakakabahalang eksena.
Ipinakita rin ang galing sa pag-arte nina Klea Pineda at Jeric Gonzales habang nasa ilalim ng init ng araw habang nagshu-shooting.
Maliban diyan, mukhang nag-e-enjoy rin sa shooting ang buong cast kahit na napakaseryoso ng mga eksena.
Huwag palampasin ang mas tumitinding agawan tuwing hapon, ang Magkaagaw, mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime.
Mga Kapuso, mapapanood na ang latest episodes ng Magkaagaw sa GMANetwork.com at sa GMA Network app.