What's Hot

WATCH: Behind the scenes of 'Rak of Aegis'

By Gia Allana Soriano
Published August 14, 2018 5:38 PM PHT
Updated August 14, 2018 5:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News



Alam n'yo bang nagsimula lamang sa isang joke ni Myke Salomon ang theater play na 'Rak of Aegis?' Alamin ang buong kuwento nito sa 'I-Witness' documentary ni Jay Taruc.

Nagsimula sa isang joke ni Myke Salomon ang theater play na Rak of Aegis. Aniya, dahil may Rock of Ages na ipapalabas noong mga panahon na iyon, bakit hindi sila gumawa ng play na Rak of Aegis naman ang title, na siya namang sineryoso ng mga taga-Philippine Educational Theater Association or PETA.

Ngayon ay apat na taon nang pinapalabas ang Rak of Aegis sa PETA, at mahigit 300+ times na itong pinalabas. Ani Myke, noong una ay na-pressure siya dahil sineryoso ang idea niya. Pero sa kalaunan ay naging goal na rin niya na maging "light, funny, at busog ang puso [ng mga manonood ng Rak of Aegis] paglabas ng theater."

Inspired ang show sa tema ng "kasawian ng puso" at "malalalim na hugot" na rinig na rinig sa mga kanta ng Aegis na talaga namang "Pinoy na Pinoy." Nabuo rin ang kuwento nito dahil sa isang lugar sa Laguna na binaha nang ilang buwan. Tina-tackle rin ng show ang social issues, habang nananatiling entertaining at relatable.

Panoorin ang dokumentaryo ni Jay Taruc sa I-Witness: