
Bumisita ang indie folk/folk pop band na Ben&Ben sa Unang Hirit noong September 13.
Tinutugtog nila ang bago nilang kanta na "Pagtingin," ang soundtrack ng pelikulang LSS na pinagbibidahan nina Beautiful Justice star Gabbi Garcia at Khalil Ramos.
Kinanta rin nila ang isa pa sa kanilang hit single, ang "Kathang Isip."
Parte ng Pista ng Pelikulang Pilipino ngayong taon ang LSS.
Mapapanood pa rin ito sa mga sinehan hanggang September 19.