What's Hot

WATCH: Benjamin Alves at David Licauco, tinaguriang daytime hunks

By Jansen Ramos
Published September 3, 2018 12:42 PM PHT
Updated September 3, 2018 1:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Paano ba maging fit and sexy kahit busy? Ayon kay David Licauco at Benjamin Alves, disiplina at time management ang kailangan para makapag-workout ka kahit busy ang araw mo.

Ibinahagi nina Kapag Nahati Ang Puso stars Benjamin Alves at David Licauco sa morning show na Unang Hirit ang kanilang sikreto para maging certified hunks.

Kahit gaano man sila ka-busy sa kanilang taping, hindi pwedeng mawala ang pag-woworkout sa kanilang everyday schedule.

Anila, there's no room for excuses daw kapag pursigido kang maging fit. Importante rin daw ang disiplina at time management.

"Disiplina po talaga. We shoot most of the time sa Pampanga, so pag-call time is 6 o'clock, pupunta ako nang maaga then straight punta na ko dun sa [gym]. Kailangan po talaga hanapan ng time," kwento ni Ben.

Si David, sume-segue pa ng jogging sa kanilang location.

Saad niya, "Everytime na may free time or like my tengga sa taping, I really make sure na I get to workout. Sometimes, nag-jo-jogging ako dito sa village."

Pagdating naman sa fashion, simplicity at comfort ang priority ng mga daytime hunks.

Ani Ben, "Parang bipolar 'yung weather natin. Sometimes, it's been so sunny and it rains again. So, I try to be ready as possible. I have been always relaxed. Comfort 'yung [priority ko]."

Tulad kay Ben, hindi rin komplikado ang fashion sense ni David.

"Hindi naman kailangang laging ma-porma. As long as comfortable ka and maganda 'yung fit ng damit mo, I guess okey na 'yun," bahagi niya.