
Isang kakaiba at very special experience ang naranasan ni Kapuso actor Benjamin Alves sa pagpunta niya sa Hawaii kamakailan.
Nasubukan kasi ni Benjamin na mag-scuba diving sa Honolulu. Dito, bahagya pa siyang nakaikot sa isang lumubog na barko.
Manghang-mangha din ang aktor sa katahimikan at kapayapaan sa ilalim ng dagat.
Katatapos lang ni Benjamin ng kanyang GMA Telebabad series na I Heart Davao. Sa ngayon, busy na daw siya sa susunod niyang projects tulad ng upcomng movie nila ng beauty queen na si Maxine Medina.