What's Hot

WATCH: Benjamin Alves, 'lucky' na mapiling gumanap bilang Manuel L. Quezon

By Marah Ruiz
Published August 28, 2018 11:42 AM PHT
Updated August 28, 2018 11:42 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Wizards have rare showing on defense in win over Pacers
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News



Para kay Benjamin Alves, ang kanyang pagganap bilang Manuel Quezon sa 'Heneral Luna' at 'Goyo: Ang Batang Heneral' ay magandang preparasyon para sa ikatlong pelikula na siya naman ang magiging bida.

Itinuturing ni Kapuso actor Benjamin Alves na maswerte ang sarili dahil kabilang siya sa trilogy ng mga pelikula tungkol sa Philippine-American War.

Una nang lumabas ang Heneral Luna noong 2015 at ngayong September naman mapapanood ang sequel nito, ang Goyo: Ang Batang Heneral.

Si Benjamin ang gumaganap ng Manuel L. Quezon sa parehong pelikula.

Sa pangatlong installment ng film series, siya naman ang nakatakdang maging bida dahil iikot ito kay Quezon.

"Six years ago pa po 'to. Wala pa po akong masyadong alam sa pagiging aktor so I was very lucky na they saw something in me. Sana po pagdating po ng panahon na magi pong Quezon, mas handa na po ako para gampanan po 'yung role na 'yun," pahayag niya.

"Ano po siya, I wouldn't say pivotal but it's a way to, itawid po siya from the first to this to the next film. Ang ganda po. Ang ganda po talaga ng timing," dagdag pa ni Benjamin.

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras: