GMA Logo Bettinna Carlos house in la union
Celebrity Life

WATCH: Bettinna Carlos ipinasilip ang simpleng bahay sa La Union

By Cherry Sun
Published June 3, 2021 3:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Bettinna Carlos house in la union


Ibang-iba raw sa nakagawian niyang buhay sa condo ang kanyang bagong pamumuhay sa La Union. Silipin ang ginawang house tour ni Bettinna Carlos dito.

Ikinuwento ni Bettinna Carlos ang kanyang naging karanasan at mga aral na natutuhan sa kanyang paglipat-bahay sa probinsya kasama ang mister na si Mikki Eduardo, anak na si Gummy, at "Yatch," Maps Jongaya.

Bettinna Carlos

Pagbati ni Betinna sa kanyang vlog, “Hello and welcome to our home! Kung nag-e-expect ka ng modern house, ng tour sa isang bonggang beach house, I am sorry to say, this is not that video. But just the same, please allow me to share with you the space that we enjoy now in the simple life that we have. Welcome to Balay Eduardo.”

Pansin agad sa kanyang ginawang house tour ang payak na pamumuhay ng kanyang pamilya sa probinsya.

Takure ang gamit nilang pang-init ng tubig. May poso at mga sinampay sa kanilang garehe. May siga sa labas ng kanilang bakod. Isang kwarto lang ang kanilang tinutulugan. Kutson sa lapag ang kanilang pansamantalang higaan. At buong pamilya nila ang kumikilos para sa gawaing-bahay.

Pag-amin din niya, sa paglipat nila sa probinsya ay lalo niya napansin ang pagiging masinop ng kanyang mister sa pera, habang may mababago pa siya sa kanyang pagiging materialistic.

Pagbahagi niya tungkol sa kanilang buhay ngayon, “Siguro the most important thing that God has taught me; it's really not the place that makes a house a home. It's really the people. It's the love and the peace that you have in living with one another.

“You can have a house that's so organized, so neat and so clean, pero laging mainit 'yung ulo mo just to keep it tidy. But you can also live in a home that's not exactly always organized, that's not exactly always neat pero you love one another, you laugh, you're free to move, to be. If God is with you, it's really His presence in your family that makes your house a home. Our family members, 'yun 'yung treasure talaga namin. As long as we are together, saan man kami dalhin ng Diyos, we will be happy, we will be fine. We will be more than okay because we know that God is with us.”

Sa parehong vlog, nabanggit din ni Bettinna na pansamantala lamang nilang tahanan ito habang under construction pa ang kanilang magiging bahay sa La Union.

Silipin ang buhay-probinsya nina Bettinna, Mikki, Gummy at yatch sa gallery na ito: