What's Hot

WATCH: Bianca Umali at Miguel Tanfelix, bumida sa horror film na 'Banal'

By Cara Emmeline Garcia
Published May 30, 2019 10:22 AM PHT
Updated May 30, 2019 10:37 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Sa naganap na premiere night, kinuwento ng dalawang stars kay Chika Minute anchor Aubrey Carampel ang kani-kaniyang experience habang kinukunan ang pelikula. Panoorin:

Bumida ang Sahaya stars na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa kanilang kauna-unahang horror flick na pinamagatang Banal.

Bianca Umali at Miguel Tanfelix
Bianca Umali at Miguel Tanfelix

Sa naganap na premiere night, kinuwento ng dalawang stars kay Chika Minute anchor Aubrey Carampel ang kani-kaniyang experience habang kinukunan ang pelikula.

Ayon sa dalawa, physically and emotionally draining ang kanilang shoot pero worth it naman raw nang mapanood nila ang trailer.

Ano naman kaya ang dapat abangan ng mga manonood sa horror flick?

Pahayag ni Bianca, “Hindi lang isa, hindi lang dalawa, kundi lahat ng eksena na ginawa namin para sa pelikulang ito kaabang-abang.”

Dagdag pa ni Miguel, “Ang pinakadapat abangan niyo diyan ay based on real events itong movie.”

Ang mga manonood ay 'di lang daw magugulat kundi mapapasigaw sa takot at may mapupulot ding aral sa kanilang pelikula.

Mapapanood na ang Banal sa mga sinehan simula May 29, 2019.

Panoorin ang buong chika ni Aubrey Carampel: