
Maganda ang magiging bukas ng Bagong Taon para kay Kapuso actress Bianca Umali. Mayroon kasi siyang upcoming teleserye na pinamagatang Sahaya, kung saan makakasama niya sina Miguel Tanfelix at Migo Adecer.
"Si Sahaya, isa siyang Badjaw na babae pero eventually mapupunta po siya sa Maynila. Ang pino-project po kasi ni Sahaya is 'yung love niya for her culture," kuwento ni Bianca tungkol sa kanyang karakter.
Kabilang sa kailangan niya para sa role ay ang paglangoy at pagsisid kaya kasalukuyan daw siyang kumukuha ng lessons para dito.
"I am also taking swimming lessons for free diving. Although I have been doing scuba diving noon pero ang free diving po kasi 'yung paglangoy po sa open ocean," paliwanag niya.
Bukod dito, pinag-aaralan din daw niya ang kulturang Badjaw bilang paghahanda sa teleserye.
"Inaaral ko po 'yung culture ng pagiging isang Badjaw. I also have dancing lessons, 'yung mga sayaw po na tinatawag pong 'Pangalay,'" aniya.
Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras: