
Sinusulit ni Bianca Umali ang mga araw na wala siyang taping para sa seryeng Kambal, Karibal dahil dito niya inaasikaso ang paghahanda para sa kanyang debut sa March 17.
Mula sa pagpili ng disenyo ng kanyang imbitasyon, food tasting at finalizing ng menu hanggang sa cake tasting, hands-on si Bianca. Fresh at simple daw ang magiging feel ng kanyang debut.
Noong una raw ay wala siyang balak na magkaroon ng malaking handaan para sa kanyang eighteenth birthday. Wish niya lamang dati ay mag-travel abroad sa kanyang debut.
"A lot of people sinasabi nila sa 'kin na I should celebrate kasi nga isang beses ka lang mag-e-eighteen sa buong buhay mo e."
Siyempre, imbitado ang kanyang Kambal, Karibal co-stars at may special participation pa ang kanyang love team na si Miguel Tanfelix.
Panoorin ang buong report ni Cata Tibayan sa 24 Oras:
Video courtesy of GMA News