What's Hot

WATCH: Bianca Umali, naranasan maging extra noong nagsisimula pa lang sa showbiz

By Bea Rodriguez
Published September 29, 2017 10:15 AM PHT
Updated September 29, 2017 10:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News



Alam n'yo ba na wala pang isang libo ang naging talent fee ni Bianca Umali noong siya'y extra pa lang?

Extra noon, sikat na ngayon! Iyan ang kuwentong buhay showbiz ng 17-year-old Kapuso star na si Bianca Umali. 

 

A post shared by Bianca Umali (@bianxa) on


Bagama't big star na ngayon at isa sa mga bankable teen stars ng Kapuso network, naransan daw ng young actress na maging extra noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.
 
Nagsimula bilang commercial model si Bianca at doon ay na-discover siya ng isang talent coordinator na tumulong sa kanya na mabigyan ng acting projects.
 
“Passersby lang po. I did a lot [of projects] na talagang nasa background lang ako [at] wala pong [lines] like nakaupo ka lang. Wala pa pong 1,000 [PHP], maybe 700 [PHP at] suwerte na po ang 1,500 [PHP na talent fee] sa buong araw,” kuwento ng teen star sa Tunay na Buhay.
 
Sa kalaunan ay nag-sign na siya sa GMA Artist Center, nabigyan ng roles at nagsunod-sunod na ang kanyang trabaho.
 
“Sobrang thankful ko na finally, lagi na po akong nagbibigyan ng lead roles, lagi po akong nabibigyan ng important characters in every shows [sic] kasi na-experience ko ‘yung pinagdaanan ng mga nangangarap na maging artista,” pagtatapos niya.

Video courtesy of GMA Public Affairs