
Humanda na mga Kapuso dahil babaha ng kilig at sweetness ngayong darating na Linggo, June 25 lalo na at mapapanood sa Daig Kayo Ng Lola Ko ang mga sikat na Kapuso love teams na kinahuhumalingan ninyo.
EXCLUSIVE: Sneak peek of Daig Kayo Ng Lola Ko episode this June 25
Dapat tutukan ang panalong tandem nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali ng Mulawin VS Ravena at ang promising stars na sina Lindsay De Vera at Dave Bornea na nakilala sa Alyas Robin Hood.
Abangan n’yo din mga Kapuso ang kuwento at aral na ibabahagi ni extraordinary grandma na si Lola Goreng.
Yayain ang buong mag-anak na panoorin ang isa namang magical adventure sa Daig Kayo Ng Lola Ko pagkatapos ng Hay, Bahay! sa hindi mapantayan na GMA Sunday Grande sa gabi.