
The long wait is over para sa BiGuel fans dahil mapapanood na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa higanteng telefantasya series na Mulawin VS Ravena.
Kahapon, June 7 ay napanood na ng mga Kapuso si Miguel bilang Pagaspas. Gumanap na batang version ni Pagaspas ang Kapuso child star na si Marc Justine Alvarez.
Ano naman ang nararamdaman ng BiGuel sa paglabas nila sa patok na primetime series?
Ani Bianca, “Very excited kasi kumbaga the long wait is over especially for the fans and for us.”
Dagdag naman ng kaniyang kapareha, “After nun paano na ba si Pagaspas at Lawiswis sa isa’t isa.”
Wala rin tigil sa paggi-gym ang Kapuso love team para laging handa sa mga fight scenes nila sa Mulawin VS Ravena.
Ayon kay Bianca, lahat daw ng free time niya ay napupunta sa pagwo-workout.
“Lahat ng time, ng free time ko binubuhos ko talaga sa gym para mas ma-improve ‘yung strength, ‘yung mga kayang gawin ng katawan ko. 'Yung resistance.”
Paliwanag naman ni Miguel na ang mga ito ay ginagawa nila para ready sila sa lahat ng ipagagawa ng kanilang direktor.
“Kung may papagawa si Direk, kailangan flexible ka.”
Video courtesy of GMA News