
Si Nomer Alejo mula sa Bulacan ay pumila sa Metro Manila auditions ng StarStruck para tuparin hindi lamang ang kanyang pangarap kundi para patunayan na rin ang kanyang sarili.
Kuwento ni Nomer, isa umanong binatang ama at dati na siyang naligaw ng landas.
Sa tulong ng kanyang pagkuha ng video ng kanyang pagsasayaw ay nakilala si Nomer online.
Sa ngayong ay itinutuwid niya ang kanyang buhay sa pagiging online seller, pagraket at pati na rin sa kanyang pagsali sa StarStruck.
Susuwertehin kaya si Nomer sa pagsali sa StarStruck?