
Nitong June 26, ay ipinakita sa My Fantastic Pag-ibig: Invisiboi ang buhay ni Buboi (Dave Duque), isang binatang nagkaroon ng power na maging invisible.
Sa kuwento ay ibinahagi ang kuwento ni Buboi, isang binata na may mabuting loob ngunit ang kaniyang buhay ay puno ng pagbabalewala mula sa mga tao sa paligid niya.
Photo source: My Fantastic Pag-ibig
Tinitiis ni Buboi ang hindi magandang pagtrato sa kanya ng tropa nila Diego (James Teng) at pati na rin ng kaniyang sariling ama na si Tonyo (Gene Padilla). Dahil sa nakitang kabutihan ni Buboi ay nakatanggap siya ng invisibility power mula sa scientist na si Professor Z (Lou Veloso)!
Alamin ang naging pagbabago sa buhay ni Buboi at kung ano ang kaniyang gagawin sa kaniyang power. Mapapansin na ba siya ng kaniyang crush na si Thea (Elle Villanueva)?
Abangan ang susunod na magaganap sa buhay ni Buboi sa My Fantastic Pag-ibig ngayong darating na Sabado, July 3 sa GTV.
Dave Duque, Elle Villanueva, at James Teng, mapapanood sa 'My Fantastic Pag-ibig: Invisiboi'