What's Hot

WATCH: Bing Loyzaga at Sunshine Cruz, umiibig sa iisang lalaki?

By Bea Rodriguez
Published July 17, 2018 5:37 PM PHT
Updated July 17, 2018 5:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga bumbero, naantala dahil sa ginawa ng isang rider | GMA Integrated Newsfeed
Guam delegation to arrive for Dinagyang Festival 2026
United Kingdom considering social media ban for minors

Article Inside Page


Showbiz News



Nagsimula na ang tapatan ng magkaribal na sina Miranda (Bing Loyzaga) at Rosario (Sunshine Cruz) sa pilot episode ng bagong GMA morning drama na 'Kapag Nahati Ang Puso.' Silipin ang kanilang interviews sa 'Unang Balita.'

 

 

Nagsimula na ang tapatan ng magkaribal na sina Miranda (Bing Loyzaga) at Rosario (Sunshine Cruz) sa pilot episode ng bagong GMA morning drama na Kapag Nahati Ang Puso.

Pasabog na kaagad ang mga eksena sa bagong Kapuso serye. Ang mahal na mahal na asawa ni Miranda na si Enrico (Zoren Legaspi) ay umiibig kay Rosario.

Kuwento ni Bing tungkol sa kanyang ginagampanang karakter, “Maraming nangyari kay Miranda na hindi maganda. Pero kahit ano pang nangyari sa kanya, mahal na mahal niya ang asawa niya. Nagkaroon ng mahal na iba ang asawa niya [kaya] uminit ang ulo ni Miranda.”

Ang mortal na kaaway ni Miranda na si Rosario ay isa ring fashion designer. Bukod sa pareho ang kanilang career, iisa rin ang minamahal nilang lalaki.

“Very strong, very sophisticated, and very elegant, iyon ang role ko dito,” kuwento naman ng ageless beauty na si Sunshine.

Sa totoong buhay, parehong loving moms sina Bing at Sunshine sa kanilang mga anak.