What's on TV

WATCH: BJ "Tolits" Forbes, balik-showbiz!

By Jansen Ramos
Published April 27, 2019 3:32 PM PHT
Updated April 27, 2019 3:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump brands fentanyl a ‘weapon of mass destruction’ in drug war escalation
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News



Kasalukuyan napapanod si BJ Forbes sa Kapuso serye na 'Sahaya' kung saan ginagampanan niya ang papel ni Aljo na siyang matalik na kaibigan ng karakter ni Miguel Tanfelix. Read more:

Matapos ang ilang taong pamamahinga sa showbiz, balik-telebisyon ang child star at Eat Bulaga Dabarkad na si BJ Forbes o mas kilalas bilang "Tolits."

BJ
BJ "Tolits" Forbes

Kasalukuyan siyang napapanod sa Kapuso serye na Sahaya kung saan ginagampanan niya ang papel ni Aljo na siyang matalik na kaibigan ng karakter ni Miguel Tanfelix.

Ani BJ, hindi na siya nagdalawang isip na tanggapin ang inalok na role para sa kaniya dahil miss na niya ang pag-arte.

"Maganda 'yung show ah, so sabi ko, 'sige po.' 'Di ko na tinanong, actually, 'yung role n'on. 'Di ko na tinanong kung gaano katagal. 'Di ko na masyadong inusisa."

Dagdag pa niya, "Nu'ng narinig ko na GMA, regular show, sabi ko, 'sige po, gusto ko bumalik [sa pag-arte.'] Hindi ko mapabayaan 'yung acting and 'yung passion ko. 'Yung taping hinahanap din siya ng katawan ko."

Nagandahan si BJ sa kwento ng Sahaya at hiling niya na sana ay maging daan ito para makilala pa lalo ang kultura at mga kakayahan ng mga Badjao.

"Gusto ko mabigyan sila ng pagkakataon na ipakita 'yung skills and talents din nila. Hindi lang du'n sa music kasi panigurado mayroon din silang talents tulad nu'ng sa paghahabi or anything na makakatulong sa community natin," sabi niya.

Maliban sa pag-arte sa telebisyon, sampung taon naging aktibo si BJ sa teatro at kasalukyang nag-aaral ng computer science. SK president din siya ng kaniyang barangay sa Rizal.

Panoorin ang buong panayam ni Cata Tibayan sa 24 Oras: