
Patuloy ang pagsisiyasat sa ikinamatay ng singer-comedian na si Blakdyak.
Patuloy ang pagsisiyasat sa ikinamatay ng singer-comedian na si Blakdyak.
Natagpuang wala nang buhay si Blakdyak, Joey Formaran sa totoong buhay, habang nakahandusay at may plastic na nakasaklob sa ulo. Sa ulat ng 24 Oras, naisalaysay ng gwardya sa condominium at isang laundry attendant ang kanilang napansin tungkol sa singer-comedian bago humantong sa tagpong ito.
Ayon sa guard na si Joana Leanno, “Kumakanta siya kung saan-saan, ‘di ba. Tapos nga kasi minsan umuuwi siya.. Halimbawa aalis siya ngayon, kinabukasan siya uuwi. ‘Yun pag dating niya dito parang iba, kakaiba na siya. Iba ‘yung kilos niya ba. Nagsasalita siya, palakad-lakad dito, wala siyang damit. Ganun.”
Sambit naman ng laundry attendant na si Len Balasabas, “Kinuha niya, tapos ginanun niya (sinaklob sa ulo). Tapos sabi namin, ‘yung kasama ko na, ‘Tanggalin mo ‘yan kasi hindi ka makahinga.’ Tapos maya-maya, tinanggal po niya. ‘Di ko alam kung saan niya nilagay [‘yung plastic].”
Matapos daw noon ay hindi na nila muling nakita si Blakdyak hanggang madiskubre ang kanyang katawan noong Lunes, November 21. November 22 ng hapon naman nang ma-recover ng mga pulis ang plastic at ang ilang basyo ng alak sa kanyang unit.
Bahagi ni P/C Insp. Romel Anicete, “Wala naman tayong nakitang defense wounds o ano man na bagay, na may sugat sa katawan niya, na nanlaban siya or meron siyang nakasama sa lugar na ‘yun. At the same time, walang forced entry dito na nangyari.”
“Nag-request na rin kami dyan for drug test,” patuloy niya.
MORE ON BLAKDYAK:
WATCH: Blakdyak, natagpuang patay sa kanyang condo unit
READ: Celebrities, nalungkot sa pagkawala ni Blakdyak