
Umiral na naman ang kakulitan at katabaan ng utak nina Boobay at Tekla nang sumabak sila sa 'Picture Perfect Challenge' na mapapanood sa Facebook page ng GMANetwork.com.
Ang task ng isa, iguhit sa white board na nakatapat sa kanilang noo ang nabunot na salita habang kailangan naman mahulaan ng isa kung ano ang drawing. Ano kaya ang na-imagine nila nang hinuhulaan ang mga salita tulad ng orange, fire works at hotdog?
Panoorin:
Tuloy-tuloy ang good vibes dahil simula ngayong Linggo, January 27, mapapanood na ang The Boobay and Tekla Show sa TV pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
Unli pa rin ang laugh trip dahil mapapanood pa rin ang TBATS sa GMANetwork.com/TBATS, GMA Network YouTube channel, at GMA Network Facebook page tuwing Huwebes, 5 P.M.