What's on TV

WATCH: Boobay, nakumpirma ni Tekla ang pagka-beki dahil sa street games

By Cherry Sun
Published September 26, 2018 3:29 PM PHT
Updated September 26, 2018 3:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 31, 2025
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban
The fruits to have for Media Noche so you'll attract a prosperous 2026

Article Inside Page


Showbiz News



Confirmed na confirmed ang pagka-beki ni Boobay nang maging competitive siya sa street games ayon kay Tekla. Naglaban kasi ang dalawa sa mga larong kalye sa September 25 episode ng 'The Boobay and Tekla Show.'

Confirmed na confirmed ang pagka-beki ni Boobay nang maging competitive siya sa street games ayon kay Tekla. Naglaban kasi ang dalawa sa mga larong kalye sa September 25 episode ng The Boobay and Tekla Show.

Throwback to their childhood game ang peg ng fun-tastic duo nang maglaro sila ng Chinese garter, sack race at tug-of-war kasama ang ilang bata mula sa Manila. Nagpataasan at nagpabonggahan sila ng lundag sa garter kung saan nanalo ang grupo ni Boobay. Kahit talo ang grupo ni Tekla ay hanga naman siya sa kanyang co-host.

Hirit ni Tekla, “Ang galing ni Boobay! Alam mo, certified talaga na bakla ka.”

Nagpabilisan din sila sa sack race kung saan muling nagwagi ang grupo ni Boobay, at nagpakita ng lakas sa tug-of-war kung saan nakabawi ang grupo ni Tekla.

Napa-reminisce naman ang netizens tungkol sa childhood nila:

Ito ang laugh trip na for all generations kaya naman laging tumutok sa GMANetwork.com/TBATS, GMA Network YouTube channel, at GMA Network Facebook page tuwing Martes at Huwebes ng 5 P.M. para non-stop ang good vibes!