What's Hot

WATCH: Boobsie Wonderland, ayaw sa mga sosyal?

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 8, 2020 6:29 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Alden Richards on reunion with 'Tween Hearts' co-stars: 'The four of us already came a long way'
Pila ka Kapuso Stars, maki-celebrate sa Dinagyang Festival 2026 sa Iloilo City | One Western Visayas
Robi Domingo embraces wellness advocacy in new brand ambassador role

Article Inside Page


Showbiz News



“Pang-masa po ako. Mas mabenta ako sa mga piyesta [at] Christmas parties.” - Boobsie Wonderland



Natural ang talento ni Sunday PinaSaya mainstay Boobsie Wonderland na mang-aliw at magpatawa ng audience sa isang live show bilang isang giant baby.

Pero alam niyo bang may inaayawan ring gigs ang komedyante nang dahil hindi siya kumportable sa manunuod?

Kuwento niya sa Mars, “Ako po talagang may inaayawan din ako pagdating sa trabaho. Ayaw ko po ng mga sosyalan, ‘yung mga English-Englishan. ‘Pag in-English ako, talagang lagi kong sinasabi, ‘My friend, pass.’”

Sold out halos lahat na concerts at shows ng Kapuso comedian ngunit minsan lang raw siya tumatanggap ng raket mula sa mga private companies.

“Once [or] twice ako [nakapag-guest] sa kilalang company pero ‘pag kukunin nila ako ulit, ayoko na kasi kahit anong patawa ko, yosi-yosi, inom-inom ng alak [at] nakikipag-mingle-mingle [lang] sila,” pahayag ni Boobsie.

Minsang nag-viral ang stand-up comedy act ng aktres dahil sa audience nito, “Pang-masa po ako. Mas mabenta ako sa mga piyesta [at] Christmas parties.”


READ: Ang ‘Tunay na Buhay’ ni Boobsie Wonderland