
Inungkat ni Regine Velasquez-Alcasid ang pinagdaanan ng buhay pag-ibig nina Boobsie Wonderland at kanyang boyfriend na si Lito sa kanilang pagbisita sa Sarap Diva. Ayon kay Boobsie, sinubok ang kanilang relasyon dahil sa isang pangyayari.
Kuwento niya, "Siyempre kahit naman po sino, tao or magka-partner, nakakaranas po ng pagkamarupok."
Dagdag pa ni Boobsie, "Nung nasa Dubai po ako, pogi kasi, hindi nakatiis eh."
Isang nakakatawang biro naman ang ibinahagi ni Boobsie kung paano siya nakaganti kay Lito.
"Nung naano ko pong nambababae siya, gumanti ako. Nambabae din ako!"
Panoorin ang kuwentuhan nila sa Sarap Diva: