
Kaugnay ng pagpanaw ng beteranong aktor na si Eddie Garcia, nakapanayam ni Unang Hirit news anchor Rhea Santos ang aktres na si Boots Anson-Roa na gumanap sa ilang pelikula kasama ang pumanaw na aktor.
Sa interview, kinuwento ni Anson-Roa ang kakaibang level ng propesyunalismo ni Manoy habang nasa set.
Aniya, “Para sa akin, 'di ko makakalimutan higit sa lahat 'yung pinakamataas na antas ng propesyunalismo na ipinakita sa ating lahat, lalung-lalo na 'dun sa tiga-industriya ng yumaong Eddie Garcia.
“Never siyang na-late at parati ngang una sa set kaya kung minsan nakakahiya dahil nauuna siya sa lahat ng artista.
“'Di lang sa shooting o taping! Kundi kahit na anong special event, awards night, parties, at socials. Parati siyang nauuna at parating maganda ang disposisyon.”
Dagdag pa ng beteranong aktres, isa sa pinaka naalala niya sa pumanaw na aktor ang sense of humor at ang kabutihang loob nito.
“Palatawa 'yan pero simple lang 'yan kung bumato ng jokes.
“Pero higit sa pagiging magaling na artista niya at commitment sa propesyon, e, 'yung pagkatao ni Eddie.
“'Yung likas na kabutihang loob niya, hindi niya pinagyayabang at hindi niya pinagmamalaki pero mararamdaman mo at malalaman mo na sincere o totoo.
“'Yun ang pinakamalaking legacy na maiiwan niya.”
Panoorin ang buong panayam ni Rhea Santos kay Boots Anson-Roa sa video na ito:
Public viewing para sa yumaong Eddie Garcia, magsisimula mamayang alas-3 ng hapon
Eddie Garcia played over 600 roles in showbiz career that spanned seven decades