
Isa si sexy actress Maui Taylor sa mga kasalukuyang sumusunod sa nauusong keto o ketogenic diet.
Dalawang buwan na raw niya itong sinusunod kaya't nakakakain siya ng mga pagkain na may fat pero umiiwas sa mga may sugar at carbohydrates.
"Bago po kayo tumalon sa ganitong klaseng diet, it would be best to consult a doctor to check muna if your body is actually fit for this type of diet," paalala niya.
Bukod dito, nagba-boxing din daw si Maui bilang kanyang regular workout.
Kasama ang fitness trainer na si Robert Beranda, sinubukan niya ang isang workout na mainam para sa mga boxers na kung tawagin ay powerbox workout.
Alamin kung ano ito sa feature na ito ng Pinoy MD: