
Siguradong mapapatawa kayo sa upcoming episode ng Lip Sync Battle Philippines!
Maghaharap kasi sa isang three-way battle ang mga Bubble Gang girls na sina Valeen Montenegro, Chariz Solomon at Arra San Agustin.
Excited na ang tatlo, at umabot pa sa puntong hindi muna nag-uusap ang magkaibigang si Chariz at Valeen.
"Sanay kasi kami ni Cha na nag-uusap. As in, parang kamustahan, ganyan. Nawala!" kuwento ni Valeen.
"Hindi kami nag-uusap ng ilang gabi. Ang awkward! Feeling ko tuloy, wala akong friend kasi siya lang 'yung lagi kong kausap eh. As in, everyday we call each other. Pero ngayon, hindi namin magawang mag-usap ng todo," pahayag naman ni Chariz.
Aminado naman si Arra na kabado siyang harapin ang kanyang mga co-stars.
"Intense 'yung energy nilang dalawa. Performer si Valeen, si Ate Cha din. Noong nalaman ko 'yun, noong tinawagan nila ako. 'Magli-Lip Sync Battle ka daw.' Sabi ko, 'Sino po 'yung kalaban ko?' Siyempre gusto ko munang malaman kung sino. Nakakatako! Si Valeen and si Chariz [daw ang kalaban]. Parang ako, 'Sure ba kayo?'" aniya.
Panoorin ang kanilang buong pre-show interview dito: