What's Hot

WATCH: 'Bubble Gang' ladies, sultry but sweet sa cover ng isang men's magazine

By Cherry Sun
Published October 29, 2017 2:02 PM PHT
Updated October 29, 2017 2:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

CAAP extends flight ban over Mayon Volcano anew until morning of Dec. 15, 2025
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Nag-uumapaw ng sexiness at sweetness ang November issue ng men’s magazine na FHM dahil tampok dito ang walong 'Bubble Gang' girls.

Nag-uumapaw ng sexiness at sweetness ang November issue ng men’s magazine na FHM dahil tampok dito ang walong Bubble Gang girls.

Tila nasa isang slumber party sina Kim Domingo, Chariz Solomon, Jackie Rice, Valeen Montenegro, Denise Barbacena, Arra San Agustin, Lovely Abella at Arny Ross. Ito ang unang beses na nagsama-sama ang mga girls mula sa longest-running gag show para sa isang magazine cover, ayon sa ulat ni Aubrey Carampel sa 24 Oras.

LOOK: Bubble Gang ladies on the cover of a men's magazine this November

Kuwento ni Kim, “Sobrang nagandahan ako lalo na doon sa theme ng cover namin. Ito ‘yung parang girl-bed party, parang ganun ‘yung style namin.”

“Sultry but sweet ‘yung buong FHM cover shoot namin, tapos first time ko pa so syempre medyo overwhelming. Kaming lahat noong una po naming nakita ‘yung mga drafts, ‘yung mga girls, nung pinakita sa amin, lahat kami ‘yung word na sinabi namin, ‘Ang cute,’” dugtong naman ni Arra.

Kasabay ng paglabas ng special issue na ito ay ang celebration ng 22nd anniversary ng Bubble Gang.

“Theater style kami so abangan nila kung ano ‘yung magiging kuwento. Actually ano ‘to, pinagsama-sama na namin, parang musical,” ani Kim.

Video from GMA News