
Ngayong darating na November 17 at 24 ay muli tayong mapapabilib ng longest-running comedy show ng bansa.
Para sa 22nd anniversary ng Bubble Gang, magkakaroon sila ng isang musical show na pinamagatang 'Parokya Bente Dos: A Laugh Story.'
Sa panayam ni Cata Tibayan sa Bubble Gang cast ay kakaibang experience umano ang kanilang pinagdaanan para magawa itong special treat para sa kanilang fans.
Ayon kay Valeen Montenegro, "Nagugulat kami na, 'Ay ang ganda! Kaya pala natin 'yung ganito.'"
Dagdag pa niya, ibang iba ito sa kanilang nakasanayang performances dahil ito ay pang-teatro.
"We're even in charge and responsible for our own costume change backstage, quick changes, change of character."
Si Paolo Contis naman ay inamin na kailangan nilang paghusayan ang pagganap ng bawat karakter dahil magkakaroon ito ng epekto sa iba pa nilang mga kasamahan. Aniya, "Mahirap eh. Mahirap. Of course 'di lang sarili mo 'yung dala mo. 'Yung buong show. Magkamali ka, maaaring ikamali na ng lahat 'yun. Ngayon namin napatunayan na we're a gang."
Ipinaliwanag naman ni Michael V na na-impress siya sa kanyang Bubble Gang co-actors dahil sa kanilang ipinakitang disiplina at husay sa pag-perform.
"Nag-step up silang lahat. May mga roles na maliliit lang talaga pero kinarir ng lahat. Kaya natuwa ako dahil nakita ko ang dedication nila sa trabaho nila."
Panoorin ang full report sa 24 Oras:
Video courtesy of GMA News