
Hindi nagpahuli ang Bubble Gang barkada sa paggawa ng patok ngayon sa Internet na Spicy Noodle Challenge.
WATCH: Spicy Noodle Challenge, hindi inurungan nina Papa Ding, Papa Obet at Papa Marky
Sa report ng Chika Minute, ilan sa mga kumasa sa maanghang na pagsubok na ito sina Kapuso Comedy genius Michael V, Diego Llorico, Lovely Abella, Betong Sumaya, Arny Ross at Asia’s Fantasy na si Kim Domingo.
Sa panayam kay ‘At Liit’ star Diego Llorico, nagkuwento ito kung ano ang naging sikreto niya para kayanin ang Spicy Noodle Challenge.
Paliwanag niya, “Hindi ko ininda, oh siguro dahil sa kapal ng labi ko.”
Ano naman kaya ang masasabi ni Bitoy sa lasa ng kakaibang noodles na ito?
Ani Bitoy, “Masarap siya kung masarap, kaya lang salbahe ‘yung anghang.”
Panoorin ang full report sa 24 Oras:
Video courtesy of GMA News