
Malalim ang hugot at napuno ng luha ang usapang pag-ibig na naganap sa Sarap Diva nitong August 25.
Sa pagbisita ni Cacai Bautista ay kanyang ikinuwento ang proseso ng kanyang pag-move on mula kay Ahron Villena.
Kwento ni Cacai ay nagpapasalamat siya sa mga pangyayari kahit na nagbigay ito ng kirot sa kanyang puso.
"Sobrang thankful kami parehas kasi kung hindi siguro nangyari 'yun, hindi kami magiging ganito ka-okey.
"Kasi sinabi ko sa kanya forgive me kasi may mga times na inaaway ko pa rin siya, sinusumbatan ko siya, ibinabalik ko. Naaawa na rin ako sa kanya kasi siya na lang 'yung hindi nagsasalita.
"Sabi ko 'Huwag mo akong sisihin kasi sobrang painful.'"
Inabot ng dalawang taon ang itinagal ng kanyang pagdadasal para maka-move on mula sa kanyang pinagdaanan.
Kuwento ni Cacai, "Dalawang taon ko talaga pinag-pray kay Lord na sana 'pag nakita na kita ulit okey na ako kasi ayokong buhatin niya 'yung burden na nasaktan niya ako. Kasi on his part masakit rin 'yun. Kasi kilala ko din naman 'yung tao, minahal ko."
Dagdag pa niya, "Sabi ko na lang maging thankful tayo kay Lord kasi siya talaga 'yung may gawa kung bakit. Kahit pagtawanan tayo ng mga tao, ang importante okey tayo. Kahit di na natin sabihin sa kanila kung ano ba tayo or ano ba 'yan naggagamitan. Ang importante, ibinigay na ni Lord 'yung timing."
Sa pagkuwento ni Cacai sa kanyang pag-move on ay nakatanggap siya ng ilang mga payo mula kay Regine Velasquez-Alcasid at sa musical director na si Raul Mitra.
Panoorin ang mga magagandang payo na natanggap ni Cacai mula kina Regine at Raul.
iframe width="100%" height="340" class="ent-evideo-embed" src="https://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/sarap_diva/85111/sarap-diva-cacai-bautista-sinariwa-ang-kabiguan-sa-pag-ibig/evideo?embed=evideo&v=yt" frameborder="0">