
Ngayong Sabado ay masasaksihan nating bumuhos ang luha ni Cacai Bautista sa kanyang pagbisita sa Sarap Diva.
Sa isang pasilip sa kanilang episode ngayong August 25, may ikinuwento si Cacai kay Regine Velasquez-Alcasid na nagpaluha sa kanya.
Saad ng Sarap Diva Instagram account, "Walang 'di napapaamin o 'di napapagawang challenge si Asia's Songbird & Cooking Diva @reginevalcasid. Kaya si @ilovekaye may isiniwalat to end all "hugot." Abangan 'yan sa Sabado!"
Abangan ang kanilang kuwentuhan ngayong August 25, 10:30 a.m.