What's Hot

WATCH: Camille Prats, ano ang ginawa nang napagkamalang beki ang isang beauty queen?

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 2, 2020 4:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: January 13, 2026
Beauty Gonzalez, Kris Bernal face off in family drama ‘House of Lies’
Pagtulong ng GMAKF sa mga nilindol sa Caraga, nagpatuloy sa kabila ng panibagong pagyanig | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Ito raw “ang pinakateribleng brain fart” ng aktres.


 

Black and white separates from @go_lavish_cdg ?? #CamilleWearsWhat

A photo posted by Camille Prats (@camilleprats) on


May isang beses sa likod ng kamera ng Mars na napagkamalan ni Kapuso host Camille Prats ang kanilang bisita na beauty queen bilang isang beki.

Kuwento niya sa programa, “May napagkamalan akong beki [kasi] bagong gising ako. [Actually,] ‘yung isa [ay] beauty queen [at] ‘yung isa [ay] beki [tapos] akala ko pareho silang beki so tanong ako nang tanong kasi sobrang amazed ako na girl talaga [‘yung boses niya]. Apparently, girl pala siya talaga.”

Napa-react raw ang beauty queen kaya iniwan siya ng kanyang co-host na si Suzi Abrera, “Ako yata ang nagsabi, ‘Bhe, babae siya!’ Pumunta ako sa dressing room at nag-lock kasi tawang-tawa ako.”

Tunaw na tunaw raw ang aktres sa mga oras na iyon, “Gusto ko talagang lumubog tapos sabi ko na lang, ‘Grabe, alam niyo ang lalaki niyo kasing mga babae’ ta’s exit na ako. I couldn’t save myself anymore. The whole time na nandidito, hindi ko siya matingnan sa mata.”

Ito raw “ang pinakateribleng brain fart” ni Camille kaya ipinangako niyang hindi na siya ulit magko-comment ng kahit ano sa bago nitong kakilala, “Mula talaga noon, sinasabihan ko na ‘yung sarili ko na parang kung may ma-notice ka [o] may makita ka, don’t ever say anything.”

Kaysa mag-walk out, nagpayo na lamang ang TV host na umamin ng pagkakamali, humingi ng tawad at huwag nang pag-usapan ito.

 




MORE ON CAMILLE PRATS:

 

 

READ: How does Camille Prats react to offensive comments? 

READ: Camille Prats, payag na mabatukan?