
Effective ang pagpapatawa ni Sunday PinaSaya star Jerald Napoles kay Mars Camille Prats dahil siya ang napili ng TV host-actress para makasama sa isang long bus ride.
Pag-amin niya, “Willing akong i-endure ang long bus ride basta kasama kong magbakasyon this summer ang Kapuso star na si Jerald Napoles para hindi ako mainip.”
Matatandaang tuwang-tuwa ang Mars host sa Kapuso comedian noong mag-guest ito sa talk show kamakailan lamang. Kwento ng TV host, “Grabe ang tawa ko sa kanya kaya feeling ko tawang-tawa pa rin ako sa kanya. Huwag lang siyang matulog.”
Pag-amin pa ni Mars Camille sa kanyang co-host na si Suzi Abrera, “Feeling ko pinaglilihian ko siya, Mars kasi nasa isip ko pa rin siya hanggang ngayon. Oh my gosh, baby.”
Kasalukuyang ipinagbubuntis ni Camille ang unang anak nila ni VJ Yambao.
Si Kapuso comedian Nar Cabico naman ang isasama ni Mars Suzi sa kanyang long train ride, “Isa pa iyon, parang Jerald din iyon eh.”
Pack your bags mga Kapuso dahil isasama kayo ng mga Mars sa kanilang summer trip!
MORE ON MARS:
WATCH: Camille Prats on VJ Yambao: “What’s yours is mine, what’s mine is yours”
WATCH: sino ang aktres na imbyerna na sa home network at gusto nang lumipat?
WATCH: Jak Roberto at Lharby Policarpio, game raw maghubad sa nudist beach?