
Congratulations and best wishes, ladies!
Malapit nang maging reyna ni businessman John Yambao ang kanyang fiancé na si Princess Sarah Camille Prats. Sa katunayan, ginanap ang kanilang prenup shoot sa Los Angeles, California kung saan una silang nagkita.
Kuwento ng Mars host, “We were a team of six people, ‘yung photographer, assistant, ‘yung videographer at saka ‘yung assistant niya then [VJ and I].”
Simple at personal daw ang karanasang iyon, “Habang nagshu-shoot kami, tumatakbo kami sa pier, bitbit namin ‘yung mga gamit namin. I did my own makeup kasi natural lang naman tapos pinaayos ko na lang ‘yung hair ko.”
Kakaiba naman ang “save-the-date” video na ginawa ni Ika-6 na Utos star na si Karel Marquez upang maging Mrs. Fariñas.
Mala-tulang kuwento ang kanyang ibinahagi sa karamihan, ayon sa report sa Unang Hirit. “I was so honest kasi. Siyempre, if I wanted something different, parang nag-no holds barred talaga ako na parang kinuwento ko talaga ‘yung buhay ko tapos noong binasa ko nga, talagang grabe ‘yung iyak ko. Nakita ko talaga na ‘Wow, ang ganda!’”
Marami naman ang kinilig sa prenup photos ni Bubble Gang star Rufa Mae Quinto at ng kanyang soon-to-be-husband na si Trevor Magallanes noong Mayo.
In love na in love ang magkasintahan at ngayong November 25 (Friday) ay masisilayan na natin ang kanilang kasal kasama ang kanilang baby girl na si Alexandria sa tiyan ng aktres.