
Taong 2017 nang lumabas ang librong Mommy Dear: Our Special Love na isinulat ng actress at comedian na si Candy Pangilinan.
Tungkol ito sa kanyang mga karanasan sa pagpapalaki sa kanyang anak na si Quentin na may mild autism.
Fifteen years old na ngayon si Quentin pero na-diagnose ito noong siya ay isang taong gulang pa lang.
Aminado si Candy na may mga maling akala siya tungkol sa kondisyon ng kanyang anak noon.
"Noong una kong nalaman [ang diagnosis], meron akong feeling na 'Get it on. Tama. Ano'ng susunod nating gagawin?' May ganon akong feeling because I thought it (autism) was something na for example, after a span of time, gumagaling," pahayag niya.
Para mas maintindihan ang autism, minarapat ni Candy na magbasa ng mga libro at magtanong sa iba pang mga magulang na may mga anak na may autism.
Bukod dito, marami rin siyang natutunan dahil sa pagsama sa mga therapy sessions ni Quentin.
"It was through time na lang--noong nagsisimula nang mag-therapy, nakita ko na 'yung ibang bata na mas bata kay Quentin, mas matanda kay Quentin. Nakikita ko na kung ano 'yung piangdadaanan nung bata. Doon ko na-realize, lifetime pala ito," aniya.
Isang solo parent din si Candy kaya doble ang kanyang effort sa pag-aaruga sa anak.
"'Yung totoo, never ko na feel na mag-give up, pero napapagod (ako). I think nature ng nanay 'yun, nature ng magulang 'yun. You will never give up. You will just have to rest," paghihikayat niya sa mga magulang na katulad niya.
Panoorin ang feature ng programang The Healthy Juan kina Candy at Quentin.